Patay ang isang lalaki nang makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) habang tumatawid sa riles sa Tondo, Manila nitong Miyerkules ng umaga.

Ang biktima na nakilalang si Julius Sarmiento, 47, at residente ng Velasquez St. sa Tondo ay kaagad na binawian ng buhay dahil sa matinding sugat sa ulo at paa dahil sa insidente.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Traffic Enforcement Unit, nabatid na dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa southbound ng Batangas St., sa Tondo.

Ayon sa testigong si Aling Helen, bago ang insidente ay nakita pa niya ang biktima na nakaupo sa gilid ng riles ngunit maya-maya ay tumawid na ito.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nilingon pa umano ng biktima ang paparating na tren ngunit bago pa man nakaiwas ay nakaladkad na siya nito.

Aminado naman ang mga kaanak ng biktima na may kaunting diperensiya umano sa pag-iisip ang biktima matapos na malulong umano sa ilegal na droga.