Usap-usapan ngayon ang kapansin-pansing physical transformation ng anak nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Cielito "Honeylet" Avanceña na si Kitty Duterte.

Nasubaybayan ng publiko ang pagdadalaga ni Kitty simula nang manumpa bilang pangulo ng bansa si Digong noong 2016. Marami na ang pumupuri noon sa taglay na kagandahan ni Kitty, na nakuha raw niya sa kaniyang inang si Honeylet. Sa katunayan ay kinuha na ring product endorser ng isang brand ang dalagita.

View this post on Instagram

A post shared by VERONICA "KITTY" DUTERTE (@kittyduterteupdates)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, marami ang nagulat nang masilayan ang tila pagbabago sa hitsura ni Kitty, batay sa "The Mindanao Basket," at naibahagi rin sa "Philippine Rhinoplasty Group."

“Grabe parang nagpalit ng ulo si Kitty Duterte ganda ng gawa ng nose niya❤️”, saad ng nag-post nito sa naturang FB group.

Kapansin-pansin umano ang "self-improvement" nito lalo na sa may bandang ilong na nagustuhan naman ng mga netizen dahil bagay na bagay raw sa kaniya ang new look.

May netizen pa nga ang tumawag sa kaniya na "From kitten to pussycat." May mga nagtatanong na rin kung saang klinika o kaninong doktor siya nagpa-nose job dahil pulidong-pulido raw ito.

Kitty Duterte (Screengrab mula sa FB group na Phinoplasty Diary Manila RDM via Politiko

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon si Kitty tungkol dito.