Pinayuhan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga driver ng public utility vehicle (PUV) na hintayin na lamang ang implementasyon ng fuel subsidy program na pinondohan ng ₱3 bilyon.
Binanggit ni DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor, maaari lamang ilabas ang pondo kung may tatlong buwan nang umabot o lumampas sa $80 per barrel ang Dubai crude oil price base sa Mean of Platts Singapore (MOPS).
Ang nasabing panuntunan aniya ay alinsunod sa 2023 General Appropriations Act.
Dahil dito, pinag-aaralan pa ng ahensya kung kailan ipatutupad ang programa.
Kabilang sa ginag-aaralan ang opsyon na gawing isahan na lang o dalawang tranche ang bigayan ng fuel subsidy.
Ang fuel subsidy ay ibinibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamamagitan ng cash card o fuel voucher