Hindi nakapagtimpi ang Kapuso comedienne na si Pokwang sa isang basher na nagsabing kaya raw siya hiniwalayan ng ex-partner na si American actor Lee O'Brian ay dahil sa pagiging "talakera" niya.

Ang siste, nakatikim tuloy ng talak mula sa kaniya ang naturang basher, subalit iginiit niyang hindi siya hiniwalayan o iniwanan nito kundi siya mismo ang kusang nagpalayas.

Matapos nito ay nakagigimbal na ang ilang mga detalyeng pinakawalan ni Pokwang. Aniya, sa anim na taong pagsasama nila, nagising na lamang siya sa katotohanang "palamunin" niya ito.

“Nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala siyang palamunin at limang taon walang child support!” pagbubunyag ni Pokwang.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pokwang (Screengrab mula sa IG)

“And FYI, hindi ako iniwan… Tanungin mo siya bakit ko siya pinalayas!!! Tanungin mo now na!” dagdag pa.

Nagbanta pa ang komedyante na baka idamay niya sa demandahan ang naturang "dalahirang marites" kung hindi ito titigil.

Aniya pa, type ba raw nito ang dating ex-partner kaya todo-tanggol dito?

O kaya naman, kaibigan ng bagong babaeng "nilalandi" nito't nagwasak daw sa puso ng anak nilang si Malia, na nangarap na mabuo silang muli bilang pamilya?

Screengrab mula sa IG ni Pokwang

Matatandaang sa naging panayam sa kaniya sa "24 Oras," ipinagdiinan ni Pokwang na walang third party o pera involved sa kanilang paghihiwalay.

Sadyang napagod lamang daw talaga siya sa pakikipagrelasyon dito.