Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang baybayin ng Babuyan Island sa Calayan, Cagayan nitong Martes ng hapon, Enero 31.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 4:49 ng hapon.

Namataan ang epicenter ng magnitude 4 na lindol sa 19.88°N, 121.38°E - 069 km N 54° W ng Babuyan Island sa Calayan, Cagayan, na may lalim na 010 km.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks na mangyayari dahil sa nasabing pagyanig.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol