Isinapubliko ng Bureau of Customs (BOC) na nalampasan pa nila ang puntiryang koleksyon sa buwis para sa kasalukuyang buwan.

Naitala na ng BOC ang ₱65.801 bilyong koleksyon mula Enero 1-27, lagpas pa sa puntirya ng gobyerno na ₱58.822 bilyon.

"As of January 27, the initial collection for the year was higher by 11.9 percent or P6.98 billion. There is an increase of 13.1 percent, or P7.627 billion, compared to its P58.174 billion collections during the same period in 2022," ayon sa BOC.

Idinagdag pa ng BOC na paiigtingin pa nila ang naaayon sa batas na revenue collection alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos,Jr..

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG