Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 46 katao matapos lumubog ang isang motorized banca sa karagatang sakop ng Balabac, Palawan nitong Linggo.

Sinabi ng PCG, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa insidente nitong Linggo ng hapon.

Pagdating ng search and rescue team sa karagatang malapit sa CaboangBay, Barangay Salang, Balabac, nadatnan nilang palubog na ang bangkang sinasakyan ng 41 pasahero at limang tripulante.

Kaagad na iniligtas ang mga ito at dinala muna sa Barangay Salang bago sila ihatid sa kanilang lugar.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Patungo sana sa Buliluyan ang mga ito nang hampasin ng malalaking alon ang bangka na naging dahilan ng inside