Panibagong parangal ang natanggap ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano o “DonBelle” sa naganap na 35th PMPC Star Awards For Television, Sabado ng gabi, Enero 28.

Nakamit ng love team ang “German Moreno Power Tandem of the Year” award para sa kanilang hit series na "He’s Into Her.” Mismong ang presidente ng PMPC na si Fernan de Guzman ang nag-abot sa kanila ng kanilang tropeyo.

View this post on Instagram

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

“I have to be honest. This journey wasn’t the easiest. There were ups and downs, but I wouldn’t change a thing about it, ‘cause this journey has thought me so much, and in this journey, I’m so grateful because I get to go through this with an amazing and supportive partner, and I get to meet such amazing suppoters. Maraming, maraming salamat po! Thank you so much for being there from the very beginning up to the very end. Thank you,” lahad ni Belle sa kaniyang acceptance speech.

Kinakiligan naman ng fans nang sabihin ni Donny na first time nila ni Belle magsama sa isang awards night. Sa kanyang acceptance speech, sinabi niya na espesiyal sa kanya ang natanggap na award dahil ang yumaong showbiz icon na si German Moreno ang dahilan kung bakit nag-artista ang kanyang ina na si Maricel Laxa kasabay ng pagpapasalamat nito sa kanilang mga pamilya, kaibigan, ka-trabaho at mga fans.

“Maraming, maraming salamat po, PMPC. Si Kuya Germs po ang dahilan kung bakit pumasok ng showbiz si Mommy so this hits very close to home. Sa lahat ng nandito ngayon, isang karangalan po na nandito kami ni Belle. We would just like to thank siyempre ang pamilya namin, mga kaibigan, workmates, ang ating pinaka-mamahal na supporters — kayo po ang inspirasyon namin at patuloy po naming sisikapin na magbigay ng mga bagay na hopefully masaya kayo, ma-inspire kayo, namo-motivate po kayong lahat. Kaya maraming salamat po! We love you guys! God bless and have a great night! Thank you.”

Number 1 trending sa buong bansa ang “DONBELLE PMPC AWARDEE” na ikinasaya naman ng mga supporters ng love team.

Screengrab mula sa Twitter

Samantala, tuloy naman ang kilig matapos ibahagi ng “DonBelle” ang mga larawan nila mula sa awards night kung saan parehong mag-comment ang isa’t-isa sa kani-kanilang mga Instagram posts.