Nagbigay ng abiso si Kapuso actress Mikee Quintos sa publiko na na-hack ang email ng kaniyang YouTube channel, kaya hindi niya ito ma-access.

Mababasa sa Instagram story ni Mikee ang kaniyang warning tungkol dito. Aniya, kontrolado pa niya ang Facebook at Instagram accounts niya.

Ang nakakaloka pa rito, pinalitan ng pangalang "Tesla PH" ang email account niya.

"For the meantime, please don't reply to any emails from me," dagdag ni Mikee.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Screengrab mula sa IG story ni Mikee Quintos

Wala pang update as of this writing kung narecover na ba niya ang email.