Binati ni Binibining Pilipinas 1st-runner up at Kapuso actress Herlene “Hipon Girl” Budol ang TV host na si Willie Revillame sa kaarawan nito ngayong Biyernes, Enero 27.

"Your always be my papa wil. Happy birthday sana palagi po kayong okay good health po sainyo," ani Herlene na kinorek pa umano ng netizen ang grammar niya.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Saad ng beauty queen sa comment section, "You’ll always be my papa will. Salamat Sa nag correct Sabi Ko naman sainyo e my brain is limited only haha."

Hindi na rin bago kay Herlene na ma-correct ng netizens dahil sa kaniyang grammar. Katunayan, kamakailan lamang ay sinagot niya ang komento ng netizen na sana raw, siya na ang sumali sa Miss Universe 2022 at baka nakapasok pa siya sa Top 5.

“Malabo bobo po ako haha," tugon ni Herlene.

“Wag nating ipilit di tayo pang-MU pang-bardagulan lang tayo doon tayo sa kung saan lang tayo bagay. Ano sa tingin n’yo?” aniya pa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/17/herlene-budol-sa-nagsabing-dapat-siya-ang-sumali-sa-miss-universe-malabo-bobo-ako/

Bago maging beauty queen, nakilala si Herlene sa game show na "Wowowin" na kung saan naging contestant siya at kinuha ring host nito.