Nagsimula nang bumaba ang presyo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa Pasay City public market, nasa ₱250 hanggang ₱280 ang kada kilo ng lokal na sibuyas at ₱200 hanggang ₱220 naman ang bawat kilo ng imported.

Gayunman, pinipili pa rin ng mga mamimili ang lokal na sibuyas dahil masarap ito kahit mataas ang presyo.

Idinahilan naman ng Bureau of Pland Industry (BPI), naglalaro na lamang sa ₱70 hanggang ₱80 ang farmgate price ng produkto.

National

Mga taong simbahan, dapat kasama sa mga laban ng bayan —Sister Mary John Mananzan

Sinabi ni BPI spokesperson Jose Diego Roxas, hindi pa nila matiyak kung maabot ang target ng gobyerno na ₱80 per kilo ng sibuyas.

Matatandaang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Rex Estoperez na nagpasyang mag-import ng sibuyas ang gobyerno upang bumaba ang presyo nito na dating umabot sa ₱700 kada kilo.