Ibinahagi ng vlogger at negosyanteng si "Madam Kilay" na isinilang na niya ang kanilang baby ng afam fiance na si "Michael", batay sa kaniyang social media post.

Binigyan nila ng palayaw ang anak bilang si "Baby Lakas".

Ani Madam Kilay, matagal nilang hinihintay ang paglabas ni Baby Lakas, at finally, heto na nga siya!

"Ang tagal ka naming inintay Anak ko #Lakas 🍼👶 finally💚🙏," saad sa caption ni Madam Kilay. Naka-tag ito sa Facebook account ng kaniyang jowa.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Bumuhos naman ang mga pagbati ng followers at subscribers ni Madam Kilay sa comment section.

Matatandaang noong Abril 2022 ay inihayag ni Madam Kilay na engaged na sila ni Michael.

Congrats Madam Kilay at Michael!