Isang suspek sa pagpatay ang inaresto ng mga miyembro ng Pasay City Police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa isinagawang “Oplan Galugad” nitong Martes, Enero 24.

Col. Froilan Uy, hepe ng Pasay City police, kinilala ang suspek na si Pedro Guial, 54, na nakalista bilang No. 1 most wanted person sa police gallery.

Sinabi ni Uy na naaresto ang suspek dakong alas-5:00 ng hapon sa Tramo Riverside sa Pasay City ng mga miyembro ng WSS at iba pang intelligence units ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Naglabas ng warrant of arrest si Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 Judge Elenita Carlos Dimaguila laban sa suspek sa kasong pagpatay nang walang piyansa noong Marso 2, 2022.

PBBM, inalala si 'Apo Lakay' sa 107th birthday: 'His wisdom remains a guiding force!'

Sinabi ni Uy na ang pagkakaaresto kay Guial ay resulta ng patuloy na intelligence gathering sa tulong ng iba pang unit ng Philippine National Police at mga ahensya ng gobyerno.

Aniya, nakakulong ngayon ang suspek sa police custodial facility.

Jean Fernando