Isang 30 taong gulang na lalaki ang agad na namatay matapos aksidenteng mabaril ng kasamang aso, habang nasa loob ng isang pickup truck, ayon sa ulat ng pulisya ng central US state of Kansas noong Sabado, Enero 21.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, aksidenteng naapakan ng aso ang gatilyo ng rifle na gagamitin sana sa hunting activity ng mga nagtungo sa pinangyarihan ng insidente. Agad na tinamaan ng bala ng baril sa kaniyang likod ang biktima, habang siya ay nakaupo naman sa passengers' seat sa harapan ng truck. Ang baril at aso ay nasa loob naman daw ng naturang sasakyan.

“A canine belonging to the owner of the pickup stepped on the rifle, causing the weapon to discharge. The fired round struck the passenger, who died of his injuries on scene,” saad ng Sumner County Sheriff’s office.

“The investigation is ongoing, but the preliminary investigation shows it to be a hunting related accident,” dagdag pa.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Hindi naman natukoy kung ang biktima ay siyang fur parent ng aso.