Tuloy pa rin ang pagbibigay ng Commission on Higher Education (CHED) ng subsidy at scholarship sa mga nais mag-enrol sa kursong Bachelor of Science in Agriculture.

Binigyang-diin ni CHED chairman Prospero de Vera III, na saganitong paraan, makatutulong ang ahensya na mapunan ang kakulangan ng bansa ng mga eksperto pagdating sa larangan ng pagsasaka at pangingisda.

Layunin aniya nito na makahikayat ang mga kabataan na mag-aral ng BS Agriculture.

Aminado ri De Vera nakakaunti ang mga estudyanteng nag-e-enroll sa nasabing kurso kung kaya’t kakaunti lamang din ang mga agriculturist sa Pilipinas.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Aniya, karamihan sa mga estudyante ay pumupunta sa mga kursong sikat dahil sa pananaw na may malaking kita, tulad ng nursing, teacher training at iba pa.

Isinapubliko rin ni De Vera na mayroong market atin demand ang mga agriculturist sa bansa.

Nauna nang itinanggi ni De Vera na nagkakaroon ng job mismatch sa sektor ng agrikultura at pangisdaan na nakikitang dahilan ng kakulangan ng mga eksperto sa nasabing larangan sa bansa.