Matapos ang pinag-usapan at matagumpay na 20th anniversary concert na "I Am…Toni" ay nag-iwan ng makabagbag-damdaming mensahe ang ina at tumatayong manager ni Toni Gonzaga-Soriano na si Mommy Pinty Gonzaga para sa kaniya.

Ayon sa Instagram post ng ina ng Ultimate Multimedia Star, hangad niya ang patuloy na buhos ng biyaya ng Maykapal para sa kaniyang anak.

"To God be the glory anak! Congratulations on your 20th Anniversary in showbiz and belated happiest birthday! Dalangin namin ng daddy mo patuloy kang pagpalain at ingatan ng Diyos," ani Mommy Pinty.

"I see God's favor in your life today and declaring it in the future in Jesus Name. You are truly blessed love and highly favored! We are so proud of you! Keep soaring like an eagle because you are an inspiration to many! Stay healthy, safe, humble and beautiful inside and out!"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Godbless you and your whole family. We love you and will always be here for you anak," aniya pa.