Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y video ng engagement ni Skusta Clee sa kaniyang kasintahang si Ava Mendez.

Makikita sa TikTok video na galing sa pagkakaluhod si Skusta at mabilis na niyakap si Ava habang nagsasaya ang mga kaibigan nito.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Matatandaang kamakailan lamang ay minsan nang ibinida ni Ava sa publiko ang kanilang mga sweet photos sa kani-kanilang Instagram accounts.

BASAHIN: Skusta Clee at Ava Mendez, flinex lambingan sa socmed

Samu't sari naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa TikTok video lalo na’t hindi na nagulat ang ilan sa 'pagpapalit-palit' ng babae ng rapper:

"Nako girl wag ka magdiwang dapat Kang magluksa ex gf at anak nga niloko pati yong pinalit iniwan ikaw pa kaya."

"Good luck panandaliang kaligayahan."

"Kunware gulat kami..Waaahh??congrats best wishes."

"Good luck nalang po sa inyo."

"Engagement now, after kasal hiwalay later."

"Good luck and stay inlove as long as you can even if it's not forever in this world full of hate. "

"Good luck both! Mga ilang araw o buwan o year kaya kayo tatagal?"

"Kasal now, live later!"

"Tara pustahan"

Sa ngayon ay wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Skusta tungkol dito. Bukas ang Balita Online sa kaniyang panig.