Nasa 399 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.

Sa datos ng DOH, umakyat na sa 4,071,963 ang kaso ng sakit sa bansa mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Sinabi ng ahensya, mataas ang bilang ng Covid-19 cases nitong Enero 22 kumpara sa 225 na kaso nitong Enero 21.

Lumobo rin sa 10,587 ang aktibong kaso ng sakit kumpara sa 10,555 nitong Sabado.

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

Umabot na sa 3,995,682 ang nakarekober na pasyente matapos madagdagan ng 377. 

Naitala rin ng DOH ang 65,694 na nasawi sa sakit matapos madagdagan ng 14.

Panawagan pa ng ahensya, magsuot pa rin ng face mask laban sa virus upang tuluyang bumaba ang kaso nito sa bansa.