Mabenta sa social media ang virtual concert na “I Am Otin” ni AC Soriano, na siyang parody ng anniversary concert ng kaniyang "idol" na si Toni Gonzaga.

Naganap ang I Am Otin sa TikTok account ni AC na dinaluhan naman ng mahigit sa 27k users.

Present sa concert ang social media personality na si Sassa Gurl, na umawit ng kantang "Super Bass" ni Nicki Minaj.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Larawan: Screengrab mula sa TikTok live ni AC Soriano

Special guest din ang kapatid nitong si "Alex" na ginampanan ng TikTok star na si Junjun Salarzon, na umawit ng kantang "Break Free."

Larawan: Screengrab mula sa TikTok live ni AC Soriano

Ni-reenact din nito ang viral birthday celebration ni Alex Gonzaga na namahid ng cake kay "Allan," ang waiter na nasabing event.

Larawan: Screengrab mula sa TikTok live ni AC Soriano

Imbitado rin ang impersonator ni Toni na si "Toniyuh" at kasama pang naka-duet ni Otin.

Larawan: Screengrab mula sa TikTok live ni AC Soriano

Hindi rin nagpahuli sa lineup ng kanta ang mga awiting "Titanium" at "Roar" na kapwa kinanta ni Toni noong nangangampanya ito para kay Pang. Ferdinand "Bongbong" Marcos.

Larawan: Screengrab mula sa TikTok live ni AC Soriano

Dito rin niya isinigaw ang iconic line nitong "sabay-sabay!"

Samantala, nakakuha naman ng 41,511 diamonds si AC sa kaniyang virtual concert, at aniya ay dodoblehin ang halaga nito at ibibigay nila ang buong halaga sa "home for the golden gays."

https://twitter.com/ItsACsLife/status/1616461682116812800?s=20&t=QfseLIXftVa76zTR_9tYOg