BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Isang fetus ang nakita sa ilalim ng tulay sa Barangay Bagahabag, Solano, Nueva Vizcaya noong Biyernes, Enero 20.

Sa ulat na nakarating kay Col. Camlon Nasdoman, hepe ng pulisya ng Nueva Vizcaya, ang fetus ay hinihinalang sadyang itinapon sa ilog.

Nakipag-ugnayan na ang Solano police sa Nueva Vizcaya Provincial Forensic Unit para sa lugar ng crime scene.

Hindi pa natukoy ng pulisya ang ina ng fetus.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol