"Hala naaksidente si Doc Luna, hindi 'yun joke," saad ng content creator.

Humihingi ngayon ng panalangin ang sikat na content creator sa TikTok na si Dr. Krizzle Luna para sa kaniyang pamilya at agarang paggaling matapos maaksidente.

Kuwento ni Luna, naaksidente sila dahil nawalan ng preno ang nakasalubong nilang sasakyan.

"Maraming maraming salamat po sa walang sawang suporta at sa mga prayers. Naaksidente po tayo, nagkaroon po ng vehicular accident. Nawalan ng preno 'yung nakasalubong naming sasakyan," aniya sa isang video na inupload sa kaniyang Facebook page nitong Sabado, Enero 21.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nagpapasalamat pa rin ang content creator sa Panginoon dahil binigyan pa rin siya ng pagkakataon na mabuhay.

"Kaya natin 'to lalaban tayo. Lalaban si Doc Luna. Maraming maraming salamat sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, kay baba... Thank you. Thank you, Lord," saad pa niya.

Patuloy rin siyang humihingi ng panalangin para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

"Please pray for my recovery, pray for my family na malampasan namin 'to. Babalik si Doc Luna, tiwala lang kay Lord. Ingat!"

Kilala si Dr. Krizzle Luna sa TikTok dahil sa kaniyang mga tips tungkol sa kalusugan.