Nagulantang ang mga netizen nang ipakilala na ni Pambansang Kolokoy a.k.a. Joel Mondina ang kaniyang special someone, sa pamamagitan ng mukbang vlog.

Kasama ang baby, iniharap na ni Pambansang Kolokoy kung sino ang babaeng nagpapatibok ngayon sa kaniyang puso.

Ito ay walang iba kundi si Gladys Guevarra.

Matatandaang naglabas ng pahayag si Gladys tungkol sa mga alegasyong siya raw ang "kabit" sa naging relasyon nina PK at estranged husband na si Marites Gondina.

'Chuchay', pumalag sa paratang ng mga tsismosa na siya ang 'kabit' ni Pambansang Kolokoy

Subalit kung susuriin ang kaniyang FB post, hindi niya inamin o dineny kung wala ba silang ugnayan ni Joel.

Sa naturang vlog, isinalaysay ng dalawa kung paano ba sila nagkakilala ni Chuchay. Sabi naman ni Chuchay, bata pa lamang daw ay magkakilala na sila nito.

Natuwa naman si Chuchay dahil halos lahat ng mga paborito niyang pagkain ay niluto ni Pambansang Kolokoy para sa kanilang mukbang vlog.

Sa bandang dulo ay magtutukaan sana ang dalawa subalit biglang nadistract dahil sa isang kawali.

Marami naman sa mga netizen ang nagsabing baka collab lamang daw ito at hindi talaga sila, at para sa content lamang. Wala rin naman kasi silang sinabi sa kabuuan ng vlog tungkol dito.