Diretsahang sinagot ni Binibining Pilipinas 1st-runner up at Kapuso actress Herlene "Hipon Girl" Budol ang isang netizen na nagsabing sana raw, siya na ang sumali sa Miss Universe 2022 at baka nakapasok pa siya sa Top 5.

"Siguro kung ikaw nag-join sa MU kahit panu nakasali ka sa top 5," sey ng netizen.

Tumugon naman si Hipon Girl.

"Malabo bobo po ako haha."

Herlene Budol, diretsahang sinagot mga humihimok na sumali siya sa Miss Universe

Screengrab mula sa FB ni Herlene Budol

Iginiit din ni Herlene na huwag na raw ipilit ng iba ang pagsali niya sa naturang prestihiyosong beauty pageant.

"Wag nating ipilit di tayo pang-MU pang-bardagulan lang tayo doon tayo sa kung saan lang tayo bagay. Ano sa tingin n'yo?" aniya.

Ngunit ayaw siyang tantanan ng mga tagahanga at talagang hinihimok nilang sumali siya sa naturang pagandahan. Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento.

"Okay ka na sana Hipon kaso need mo pa-improve ang correct etiquette. I watched your vlog sa Africa during your pageant kaso you need to control your mouth and behavior because you are representing the philippines. Just saying…"

"Kayang-kaya ka i-train ni Wilbert Tolentino!"

"Ms. Herlene huwag mo naman masyadong i-down ang sarili mo alam naman namin na kaya mo 'yon, ikaw talaga ang bagay sa Miss Universe."

"Maraming nagmamahal sa'yo anak, very inspiring ang attitude mo, marami kami relate sa'yo. Lalo na mas marami kaming mahirap kaysa mayaman na aalalay sa'yo."