Nagbigay ng mensahe si Binibining Pilipinas 2022 1st-runner up Herlene "Hipon Girl" Budol sa natalong kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi.

Ani Herlene, "Celeste maganda ka pa din. We love you."

"Ako nga na budol eh."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ang tinutukoy na "nabudol" ni Herlene ay ang naranasan nila sa bansang Uganda kung saan siya sana ang kakatawan sa Miss Planet International 2022, subalit dahil sa ilang mga isyu sa pamunuan, ay nag-withdraw na lamang sila sa timpalak.

Samantala, marami naman sa mga netizen ang humihimok kay Herlene na subukin na ring sumali sa MUPH sa mga susunod na taon.