Itinanghal na kampeon ang Pinoy player ng Anyang KGC na si Rhenz Abando sa Korean Basketball League (KBL)Slam Dunk Contest sa Suwon KT Arena nitong Linggo.

Nasungkit ni Abando ang perfect score para sa kanyang dalawang dunk.

Pinabilib ni Abando ang mga nanonood sa kanyang 360-dunk na sinundan pa ng two-handed baseline dunk nito mula sa pasa ng Pinoy din na manlalarong si RJ Abarrientos.

Sa ikalawang bugso ng kompetisyon, pinahanga muli ni Abando ang mga fans sa kanyangreverse between-the-legs dunk at isa pang one-handed windmill dunk.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Tinalo ni Abando sinaHa Yun-gi ngSuwon KT SonicBoom,Choi Jin-soo(Ulsan Hyundai Mobis Phoebus), atPark Jin-cheolGoyang (Carrot Jumpers).

Nakapag-uwi si Abando ng premyongKRW2-million o katumbas ng mahigit sa₱88,000.