Wagi ang ECHO laban sa ONIC Esports sa lower bracket, 3-1, sa M4 World Championship playoffs, nitong Huwebes sa Tennis Indoor Stadium Senayan sa Jakarta, Indonesia.

Matiyagang nag-abang ang mga Pinoy sa kanilang mid-game spike bago tuluyang dominahin ng ECHO ang laro.  

Na-neutralize ni Sanford Vinuya ang mga pag-atake ng ONIC gamit si Joy habang ang ECHO team ay humabol sa 1-0 series lead.

Si Sanford din ang EXP laner na nagpakawala ng apat na kills at 10 assists na naging MVP matapos ang unang laro.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinapos ng ECHO ang ONIC sa loob lamang ng 11 minuto at 41 segundo dahil bigong makuha ng ONIC ang lord.

Nakuha rin ng Orcas ang 10K gold lead nang si Yawi ay tinanghal na MVP na may 2-2-14 KDA para magpantay sa ONIC sa match point.

Ang ECHO ay nagpatuloy upang kumuha ng isang pang panalo sa Game Three, at agad na sinigurado ng ECHO na hindi muli makakahabol ang ECHO at tinapos ang Game 4 sa loob ng 21 minuto na nagtagumpay sa likod ni Yawi gamit si ‘Chou’ bago kinuha ni Bennyqt ang spotlight sa Game Four gamit ang ‘Beatrix.’

Samantala, dahil sa pagkapanalo, lalaban naman ang ECHO sa isa pang kupunan ng Pilipinas na “Blacklist” ngayong Biyernes, 8:00 PM sa rematch ng MPL Philippines Season 10 finale.