Pinagpapaliwanagng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang transport network company na Grab Philippines dahil sa umano'y paniningil ng₱85 minimum base fare kahit hindi pa aprubado ng ahensya.

Sinabi ng LTFRB, binigyan nila ng limang araw ang Grab Phils. upang magsumiteng datos sa dalas ng paniningil nila ngminimum base fare na₱85.

Sa fare matrix na inilabas ng LTFRB nitong Setyembre 2022, ang minimum fare para sa Sedan-type transport network vehicle service (TNVS) ay₱45,₱55 para sa AUV/SUV-type TNVS, at₱35 naman sa hatchback-type na TNVS.

Paliwanag ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, nagsagawa na sila ng pagdinig nitong Huwebes kaugnay sa usaping pagtaas ng singil sa pasahe.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Aniya, wala na silang isasagawang pagdinig sa usapin dahil hiniling na ng ahensya sa TNVS na magsumite ng position paper upang madesisyunan na nila ang usapin sa unang linggo ng Pebrero.