Masayang flinex ng bagong daddy na si Kapamilya TV host-actor Luis Manzano ang first born baby nila ng misis na si Jessy Mendiola na si "Isabelle Rose Tawile Manzano" na may palayaw na "Peanut".

"Hi Peanut ❤️❤️ Isabella Rose Tawile Manzano," caption ni Luis sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Enero 7.

Makikitang kalong ni Luis ang kaniyang baby subalit hindi pa muna ipinakita ang mukha nito sa publiko.

Bumuhos naman ng pagbati at kasiyahan ang mga kasamahang celebrity at netizen para sa bagong milestone na ito sa buhay ng mag-asawa.

Luis Manzano, binasag ang basher na umokray sa baby nila ni Jessy Mendiola

Isa na rito ang Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Budol o "Hipon Girl" na nag-volunteer pang maging ninang.

Pero biro niya, siya raw ang bibigyan ng pamasko ng kaniyang kumare at kumpare.

"Hi peanut sana kunin akong ninang tapos daddy at mommy mo magbibigay sakin every year ng pamasko," hirit ni Hipon Girl.

Pabirong nagkomento naman dito si Luis, "Parang may iba ha!"

Luis Manzano at Isabelle Rose Tawile Manzano (Screengrab mula sa FB ni Luis Manzano)

Hindi naman kinumpirma ni Luis kung kukunin nga ba niyang ninang si Herlene, na sinasabing bibida na sa teleseryeng "Magandang Dilag" sa GMA Network.

Anyway, lumabas ang pagiging tagapagtanggol na daddy ni Luis nang "gantihan" niya ang basher na umokray sa kaniyang anak.