Arestado ang isang dating miyembro ng Philippine Army matapos umanong holdapin ang isang sanglaan sa General Mariano Alvarez (GMA) sa Cavite nitong Miyerkules.

Pansamantalang nakakulong ang suspek na si Michael Comutohan, 47, dating sundalo at ngayo'y nagtatrabaho bilang isang VIP security sa nasabing lalawigan.

Si Comutohan ay itinuturong nanloob sa RD Pawnshop sa Barangay San Gabriel, GMA, nitong Enero 11 ng hapon.

Tinangay umano ng suspek ang P16,000 at isang unit ng cellular phone sa naturang sanglaan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Tumakas ang suspek sakay ng isang pampasaherong jeep hanggang sa makarating ito sa kanyang kaanak sa Alta Tierra Homes, Brgy. Olaes, GMA kung saan ito naaresto.

Nasamsam sa suspek ang isang Cal. 40, dalawang magazine na may 24 na bala, tatlong cellular phone, P15,000, isang granada, tatlong sachet ng shabu at iba't ibang identification (ID) card.

Inihahanda na ng pulisya ang patung-patong na kaso laban sa suspek.