'Fully-charged Sto. Niño' 😭😭😭

Laking gulat ng netizens nang biglang gumalaw ang animo'y Sto. Niño na tunay pa lang bata.

Sa TikTok video ng user na si @diko.mo.saba, tampok ang batang nagbihis bilang Sto. Niño para sa pagdiriwang ng Sinulog sa probinsya ng Cebu.

Inakala ng netizens na estatwa ang bata hanggang sa bigla itong gumalaw nang kumaway ito sa ibang tao at nagbigay pa ng flying kiss.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Umani naman ng iba't ibang reaksyon ang video sa TikTok.

Ani ng isang netizen, dapat ay may dalang ekstrang baterya upang hindi ma-low battery ang bata.

Narito naman ang komento ng ilang netizens:

"Nagulat ako nung gumalaw HAHAHA."

"San po banda nilalagay yung battery."

"Grabe akala ko di totoo nagulat ako nung gumalaw."

"Ka gwapa buyag oy."

"Literal na gumagalaw yan tuwing alas tres."

Tumabo naman ng aabot sa 500K likes ang naturang video.