Muling napansin at pinuri ng mga netizen ang kaseksihan at pagbawas ng timbang ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang latest Instagram post kung saan naging wedding singer siya nitong Linggo, Enero 8.
Ibinahagi ni Mega na sanay siyang kinukuha bilang singer-entertainer sa corporate shows, subalit pinakapaborito aniya ang pag-awit sa mga kasal.
Sa naturang event na kaniyang dinaluhan, ito raw ay pagdiriwang ng silver wedding anniversary ng mag-asawa.
"I am often hired to sing at corporate shows and private events - & my favorite is weddings! Especially last night’s - it was a Silver Wedding Anniversary and am so happy I got to perform for Mr. Richard & Ms. Lyn! A lovely couple! And Ms. Lyn is a Sharonian - & if someone is a Sharonian… well that makes me nothing but the happiest!", aniya.
"I love singing at events like last night’s because when Covid hit us all, of course wala nang parties! So happy last night started it again for me! Happy 25th Anniversary again, Sir Richard & Ma’am Lyn! Am honored that you had me join you at your special celebration! Lots of love and God bless you!"
Nagbigay pa ng update si Shawie na magsisimula na ulit ang tour nila ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa bandang Marso.
Sa comment section ng kaniyang IG post ay pinuri ng mga netizen ang kaniyang kaseksihan, na litaw na litaw sa kaniyang suot na black evening gown.
"Kabog ang gandaaaa!"
"Simple yet elegant gown. It fits you."
"Love you Ate Shawie… ang ganda at sexy mo na uli ngayon… age is really just a number."
"Ang sexy naman!"
"Wow, you really lost weight and super sexy!"
Matatandaang napansin na rin ng mga netizen ang pagkabawas ng timbang ni Mega sa Gabay Guro event noong Oktubre 2022.