Bumaba pa sa 5.7% ang positivity rate ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa, ayon sa OCTA Research Group nitong Linggo.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, ang naturang positivity rate ay naitalanitongEnero 7, 2023.

Bahagya itong mas mababa kumpara sa 5.9 porsyento ng nationwide Covid-19 positivity rate na naitala naman noong Enero 6, 2023.

Ang positivity rate ay ang porsyento ng mga taong nagpo-positive sa sakit mula sa kabuuang bilang ng mga isinailalim sa pagsusuri.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Iniulat din ni David na nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 752 bagong kaso ng sakit nitong Sabado, kaya umabot na sa kabuuang 12,518 ang active cases nito.

Nakapagtala rin ang bansa ng 10 bagong pasyente na namatay dahil sa sakit, kaya nasa 65,464 na ang total deaths sa bansa.

Sinabi pa nito na mayroong 277 bagong nakarekober sa karamdaman kaya umabot na sa 3,989,188 ang kabuuan nito.