Patay ang dalawang lalaking menor de edad matapos na malunod habang naliligo sa ilog ng Morong sa Rizal nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga biktijma na sina Dindo Alvarez Jr. at Justine Jacob Fortuna, kapwa menor de edad, at residente ng Brgy. Bombongan, sa Morong.

Batay sa ulat ng Morong Municipal Police Station, dakong alas-2:00 ng hapon ng Enero 7, 2023 nang maganap ang insidente sa Morong River, sa Brgy. Bombongan.

Nauna rito, nagtungo umano sa ilog ang mga biktima, kasama ang ilang mga kalaro, upang maligo.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Gayunman, habang naglalangoy, tinangay umano ng malakas na agos ng tubig ang mga biktima hanggang sa lumubog ang mga ito.

Tinangkang hanapin at sagipin ng mga kaanak at mga otoridad ang mga biktima ngunit hindi sila natagpuan.

Patay na ang mga ito nang madiskubre ng mga rescuers dakong alas-9:30 ng gabi ng Sabado sa pampang ng ilog.

Ang mga labi ng mga bata ay dinala sa San Geronimo Funeral Homes para sa kaukulang otopsiya at safekeeping.