Welcome to the world, Isabella Rose!

Ipinasulyap na nina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa publiko ang panganay nilang anak na si Isabella Rose sa kani-kanilang Instagram post.

"I never knew I could love like this. My little Rosie. 🌹" saad ni Jessy sa kaniyang caption nitong Sabado, Enero 7.

Sen. Bato, ‘kumagat sa AI video’ ng mga estudyanteng ayaw sa impeachment ni VP Sara

Siyempre hindi rin nagpahuli ang first-time dad, "Hi Peanut—Isabella Rose Tawile Manzano."

Samantala, wala namang nabanggit ang mag-asawa kung kailan ipinanganak ang kanilang panganay.

Ngunit sa Instagram story ni Jessy, tila magda-dalawang linggo na ang nakalipas mula nang ipinanganak si Isabella Rose.

"Missing my baby's kicks in my womb. Almost two weeks post partum.

Nag-abot naman ng pagbati ang mga kaibigan nila sa showbiz kabilang sina Alex Gonzaga, Mariel Padilla, Lara Quigaman, Anne Curtis, Dianne Medina, Angeline Quinto, Iza Calzado, atbp.