Nakaligtas na ang anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na si Juanito Jose Remulla III sa kasong pag-iingat ngmahgit₱1.3 milyong halaga ng kush o high grade marijuana noong 2022.

Ito ay nang mapatunayan ni LasPiñas City Regional Trial Court (RTC) Branch 197 Judge Ricardo Moldez II, na not guilty si Remulla sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa pahayag ni Atty. Pearlito Manalili, napatunayan ng hukuman na hindi importer ng nasabing droga ang kanyang kliyente dahil mali ang pangalan sa shipper's form at sa identification (ID) ni Remulla.

Aniya, "Juanito Remulla" lang ang nasa package kaya hindi ito ang kanyang kliyente na "Jose Juanito Remulla III."

‘Guilty na, pinagmulta pa?’ Cebu Gov. Gwen Garcia, ‘bingo’ sa Ombudsman!

Ibinasura aniya ang kaso dahil sa usapin sa chain of custody ng ebidensya. Nilinaw ni Manalili na hindi nagpatawag ng mga kinatawan ng DOJ, media at barangay ang mga awtoridad nang masamsam ang iligal na droga.

Matatandaang dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Drug Interdiction Task Group si Remulla sa ikinasang controlled delivery operation sa BF Resort Village, Talon Dos, LasPiñas City nitong Oktubre 11, 2022.

Ang nasabing iligal na droga ay galing sa United States, ayon sa mga awtoridad.