Tila sunod-sunod ang isyu ng "cheating" sa showbiz sa pagpasok ng 2023, dahil hindi pa man humuhupa ang interes ng publiko sa kumpirmasyon ng hiwalayang McCoy De Leon at Elisse Joson, usap-usapan naman ngayon ang rebelasyon ng ex-girlfriend ni Kapuso actor Kelvin Miranda na si Roselle Vytiaco patungkol sa "pakikipag-chat" umano ng ex sa isang Kapamilya actress.

Ayon sa ulat, ibinahagi ni Roselle sa kaniyang Instagram story ang screenshots ng umano'y palitan ng mensahe at video call nina Kelvin at Kapamilya actress Kira Balinger.

Batay sa sunod-sunod na posts ni Roselle, magkakaroon ng upcoming movie ang dalawa. Inamin ni Roselle na matagal na siyang aware na talagang marami pang mine-message si Kelvin na iba pang babae, na ang iba pa nga raw ay nakakatrabaho niya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Screengrab mula sa IG story ni Roselle Vytiaco

Screengrab mula sa IG story ni Roselle Vytiaco

Screengrab mula sa IG story ni Roselle Vytiaco

Screengrab mula sa IG story ni Roselle Vytiaco

Screengrab mula sa IG story ni Roselle Vytiaco

Screengrab mula sa IG story ni Roselle Vytiaco

Screengrab mula sa IG story ni Roselle Vytiaco

Ang nakalulungkot dito, pareho raw silang in a relationship.

Kung babasahin isa-isa ang conversation ng dalawa, tila ang aktres pa raw ang may pinapatanggal kay Kelvin na pahiwatig ng kanilang pilyong usapan, kahit na pareho na silang may jowa.

Sey pa ni Roselle na isang influencer, siya pa raw ang tila sinisisi ni Kelvin kung bakit ito nagkagusto sa iba. Matagal na raw niyang gustong makipagkalas kay Kelvin subalit lagi raw itong nagbabantang magpapatiwakal o sasaktan ang sarili kapag ginawa ito.

“He has an issue about me being too mabait sa mga ex ko and followers ko. Like you guys know me, I love talking to everyone here but that doesn’t mean nakikipaglandian ako,” ani Roselle.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Kelvin at Kira tungkol dito.