Ang daming na-shookt nang kumpirmahin ni Mary Joy Santiago, isang TikTok star at bebot na nadadawit sa issue, ang umano'y hiwalayan nina McCoy De Leon at Elisse Joson o tambalang “McLisse.”
Sa conversation ng pinsan ng Facebook user na si Merrie Lette, inamin ni Mary Joy na nag-uusap nga talaga sila ni McCoy ngunit nangyari ito matapos umanong "mag-break" ang couple.
"And btw baka sabihin mo din kabit ako e. BREAK NA SILA BAGO KAMI MAG-USAP NI MCCOY, OK?" ani Mary Joy.
BASAHIN: Sey ni girl na dawit sa umano’y ‘hiwalayang’ McLisse: ‘Break na sila bago kami mag-usap ni McCoy’
Dinumog naman ng mga netizen ang post ni Marrie Lette upang imbestigahan kung haka-hakang hiwalayan ng showbiz couple.

Mixed emotions naman ang naging reaksyon ng netizens sa kumpirmasyon ni Mary Joy.
Anang ilang netizens, kawawa naman daw si Elisse at anak nitong si Felize.

Narito ang ilang saloobin ng netizens hinggil sa isyu:
"Mga lalaki nga naman pagkatapos anakan ang babae hahanap na naman ng iba."
Ilang netizens din ang nagbigay ng suporta kay Elisse.

