Sa pagpasok pa lamang ng 2023 ay bumungad na kaagad ang iba't ibang isyu tungkol sa "hiwalayan" ng ilang celebrity couples-- at ang latest nga rito ay ang "McLisse" o reel at real-life partners na sina McCoy De Leon at Elisse Joson.

Lalo pa itong umigting nang magsalita na ang babaeng nali-link ngayon kay McCoy na si "Mary Joy Santiago" at kumpirmahing hiwalay na nga ang mag-partner. Paglilinaw pa niya, nakilala at nakausap niya si McCoy na hiwalay na sila ni Elisse kaya hindi masasabing "third party" siya.

Trending din ang pa-mensahe ni McCoy sa anak nila ni Elisse na si Baby Felize.

Dahil sa balitang ito, tila "trauma" na ang mga netizen sa endearment na "Mahal" dahil halos lahat ng celebrity couple na tumawag ng ganito sa kanilang dating karelasyon, ngayon ay hiwalay na.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ilan sa mga ito ay sina Aljur Abrenica (kay Kylie Padilla), Paolo Contis (kay LJ Reyes), at ngayon nga ay si McCoy. Nascreengrab ng mga netizen ang kani-kanilang mga post noon, na may salitang "Mahal" at tumutukoy pa sa kani-kanilang mga ex.

Iyan ang biruan sa ilang Facebook page, gaya ng "Homepaslupa Buddies 3.0" kung saan kinomentuhan ang meme.

Screengrab mula sa FB page na Homepaslupa Buddies 3.0

Maging ang social media personality na si "Senyora" ay sinakyan na rin ito.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Naku, beware na sa mga nagsasabi ng 'Mahal', iba pala ang mahal hahaha."

"Paki-ban na lang salitang 'Mahal' kung hindi naman kayang panindigan."

"Sibuyas na lang ang mahal ngayon haha."

"Buti na lang 'Hoy' ang tawagan namin."

"Yoko na magMAHAL haha."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga nabanggit na celebrity sa meme na ito.