Kinaaliwan ng mga netizen ang ibinahaging litrato ni "John Elbert Flores Hizon" hinggil sa handa sa Media Noche ng kaniyang "nakaluwag-luwag" na pinsang si "Apple Flores", na isang "giant lechon dinosaur".

Makikita ang naturang post sa Facebook page na "Homepaslupa Buddies 3.0".

"Flex ko lang yung pinsan ko si Apple Flores na nakakaluwag-luwag na at Dinosaur ang handa nung bagong taon," aniya sa caption.

Hindi naman talaga dinosaur iyon kundi isang "lechon baka".

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Umani naman ito ng iba't ibang komento mula sa mga netizen.

"Godzilla yata 'yan eh!"

"Mula pa sa Jurassic Park hahahaha".

"Nakakarimarim kainin hahahaha."

Nakarating naman kay Apple Flores na viral na ang kaniyang post kaya pabiro siyang humirit sa lahat.

Apple Flores (Larawan mula sa FB page na Homepaslupa Buddies/John Elbert Flores Hizon

"Hindi sa pinagyayabang pero may natira pa dito sa bahay pick up n'yo na lang. HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA," aniya.