Wala mang natanggap na tugon mula pa noong Pasko, nagpaabot pa rin ng pagbati si Dennis Padilla nitong Bagong Taon para sa mga anak na sina Dani, Julia, Claui, at Leon Barretto.

Ito ang makikita sa Instagram post ng ama nitong huling araw ng taong 2022.

View this post on Instagram

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Happy new year mga anak. Praying for more blessings 2023. Labyu all!🙏❤️🎉🎉” mababasa sa Instagram caption ni Dennis kalakip din ang sulat-kamay na liham ng ama sa larawang ibinahagi.

Muling ikinalungkot ng ilang followers ni Dennis ang wala pa ring pagsagot ng mga anak sa aktor.

“Happy new year. Sad to note na m[ay] mga anak palang ganon, mga pusong bato. Nakapagtataka din bakit ang mother hinahayaang i-deadma ang ama nila,” anang isang follower ni Dennis sa naturang post.

Sa hiwalay na Instagram post naman ni Marjorie Barreto nitong New Year, makikitang buong pamilyang sinalubong ng mga Barretto ang Bagong Taon.

Naispatan pang present sa selebrasyon ang boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson.

Basahin: Dinedma pa rin: Dennis Padilla, binati online ang mga anak ngayong Pasko – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Pasko, nauna nang wala ring tugon sa mga pagbati ni Dennis online ang kaniyang mga anak.