Muling ibinalik sa normal ng pamunuan ng MRT-3 ang oras ng kanilang operasyon ngayong Martes, Enero 3, matapos ang pagbabago sa schedule ng mga byahe noong pasko nakaraang taon.

Sa abiso na inilabas ng MRT3, alas-4:36 ng madaling araw ang unang byahe mula North Avenue Station at alas-5:18 ng madaling araw naman mula sa Taft Avenue Station.

Sen. Bato handa raw maging patas sa impeachment trial ni VP Sara

Ang huling byahe naman mula North Avenue Station ay balik sa alas-9:30 ng gabi habang ang huling tren na aalis Taft Avenue Station ay ganap na alas-10:11 ng gabi.

Paalala rin ng pamunuan ng MRT 3 ang obligadong pagsusuot ng face mask at ipinagbabawal pa ring pagsasalita at pakikipag-usap o pakikipagkuwentuhan maging sa mga telepono habang nasa loob ng tren.