Tutulungan ng mga tauhan ng Department of Tourism (DOT) ang mga stranded na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagpalya ng air traffic management system ng Civil Authority Aviation of the Philippines (CAAP) nitong Bagong Taon.

Ayon sa DOT, mayroon na silang nakatalagang personnel at itinayong help desk kung saan maaaring humingi ng tulong ang mga pasahero.

Kaugnay nito, tiniyak din ng DOT na patuloy silang nakikipag-ugnayan  sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya na may kinalaman sa pag-monitor ng sitwasyon ng mga pasahero sa iba't ibang panig ng bansa.

Nauna nang binanggit ng Manila International Airport Authority (MIAA) na tatagal ng tatlong araw bago maging fully operational ang flight operation sa iba't ibang terminal ng NAIA. 

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review