Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na bababa na ang presyo ng sibuyas sa susunod na taon dahil sa inaasahang masaganang ani sa Enero.
Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, nananatili pa rin sa₱550 ang kada kilo ng sibuyas sa mga pangunahing pamilihan sa Metro Manila.
Aniya, kukuha sila ng mga supplierupang matugunan ang kakulangan ng suplay nito sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Tutulong aniya sa gastos ang ahensya upang makabili ang publiko ng abot-kayang presyo ng sibuyas sa merkado.
Kamakailan, tiniyak ni Evangelista na mag-i-implement sila ng₱250 kada kilo ng sibuyas sa mga pangunahing pamilihan sa National Capital Region simula Disyembre 30.
Gayunman, hindi ito natupad dahil na rin umano sa kakulangan ng paghahanda ng mga negosyante ng sibuyas at ng ahensya.