Umakyat na sa 44 ang nasawi dahil sa flash flood dulot ng matinding pag-ulan sa northern Mindanao at iba pang lugar sa bansa nitong araw ng Pasko.

Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Biyernes, Disyembre 30, binanggit na bukod ito sa 28 na nawawala at 12 na nasugatan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), CARAGA, Region 11, 10, 9, 8, 7, 6, at 5.

Apektado rin ng kalamidad ang 131,028 na pamilya, at 56,807 na inidibidwal.

Nasa ₱1.1 bilyon na rin ang nasirang imprastraktura at ₱234.7 milyon naman sa sektor ng agrikultura.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Umabot naman sa 4,522 ang nasirang bahay.

Isang lalawigan pa lang at anim na bayan ang isinailalim sa state of calamity.

Mahigit sa ₱51.4 milyong halaga ng assistance ang naipamahagi na ng pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng search and rescue operations ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan, ayon pa sa OCD.

Matatandaang binulaga ng matinding pag-ulan at pagbaha ang mga residente sa mga nabanggit na lugar nitong Disyembre 25 bunsod ng umiiral na shear line sa bansa.