Bahagyang bumaba ang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa nitong Disyembre 30.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na nasa 605 na lang ang bagong kaso ng sakit sa Pilipinas habang ang aktibong kaso nito ay umabot na sa 13,822.

Mas mababa ang naitalang bagong kaso ng sakit nitong Biyernes kumpara sa naitalang 619 nitong Huwebes.

Ito na ang ikawalong sunod na linggong nakapagtala ng mababa sa 1,000 kaso sa bansa.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Dahil na rin sa naidagdag na Covid-19 cases, nasa 4,063,816 na ang kabuuang nahawaan ng sakit sa Pilipinas.

Lumobo na rin sa 3,984,635 ang nakarekober sa sakit sa bansa. Gayunman, tumaas sa 65,359 ang binawian ng buhay matapos madagdagan ng 27 nitong Biyernes.

Sa limang lugar naman sa bansa, nakapagtala ng pinakamataas na kaso ang Metro Manila, sumunod ang Region 4A (Calabarzon), Central Luzon, Western Visayas at Ilocos region.