Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang naging pahayag ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa posibilidad na bumalik siya sa pag-aaral sa taong 2023.
Ayon sa panayam sa kaniya ng isang pahayagan, na-inspire daw siyang magbalik-school dahil sa pelikulang "My Teacher".
At kung babalik man daw siya sa paaralan, nais niyang pag-aralan ang batas. Bilib daw siya sa mga kaibigang abogado ng mister na si Direk Paul Soriano, kapag kausap ang mga ito.
Hindi raw niya maiwasang humanga sa kanila, dahil lahat daw ng sinasabi nila ay nakabatay sa batas.
Hirit naman ng mga netizen, may plano na raw bang pasukin ni Toni ang politika sa darating na panahon?
Ngunit hindi siya pinalampas ng bashers. Anila, bukod sa batas, kailangan daw ulit pag-aralan ni Toni ang history.
Matatandaang umani ng katakot-takot na pag-cancel at pambabatikos sa mga "Kakampink" ang hayagan niyang pagsuporta sa kandidatura ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.