Sa halip na ma-offend ay sinakyan ni 2022 Metro Manila Film Festival Best Actress Nadine Lustre ang isang kumakalat na litrato niya, na ibinahagi naman ng isang Twitter user, kung saan nakuhanan siyang malaki ang pagkakabuka ng kaniyang bibig, habang nasa "Gabi ng Parangal" noong Disyembre 27.

"I think this is the '2023 na amaccana accla' pic," tweet ni Nadine kalakip ang naturang litrato.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/hello_nadine/status/1608293007094345730

Ang "Amaccana Accla" ay nagmula sa salitang "Tama ka na bakla" na sagot sa mga taong maraming "kuda" o "hanash" sa isang bagay, paksa, o celebrity.

Matatandaang naging uso rin ang mga binitiwang pahayag ni Nadine noong 2017.

"C'mon guys, it's 2017," aniya.

Noong 2020 naman, sinabi niya na "Ano na, 2020 na!"

Patunay lamang daw ito na talagang hindi papaawat sa kaniyang kasikatan si "President Nadine".