Matapos ang kaniyang daring na pagganap bilang sugar baby ni 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actor Ian Veneracion sa "Nanahimik ang Gabi", marami umano sa mga netizen ang humihirit kay Kapamilya actress Heaven Peralejo na gumawa ng pelikula na mapapanood sa Vivamax.

Ang Vivamax ay isang social media platform kung saan mapapanood ang medyo "mapusok" na mga pelikulang ginagawa ng Viva Films.

Ilan sa mga itinuturing na reyna ng Vivamax ay sina AJ Raval, Angeli Khang, Christine Bermas, at iba pang artists ng Viva Artists Agency.

Mababasa ang hirit ng mga lalaking followers ni Heaven sa isa sa mga TikTok entries niya.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

"VIVAMAX na sa next lods."

"sana mapanood kita sa viva max idol."

"Heaven sana mapanood ka na namin sa Vivamax."

Samantala, hindi naman nasungkit ni Heaven ang pagka-Best Actress dahil ang itinanghal na Festival Best Actress ay si Nadine Lustre ng pelikulang "Deleter".