Ikinasal na si Miss Universe 2021 first runner-up Steffi Rose Aberasturi sa kaniyang long-time boyfriend na si Karl Arcenas ngayong Miyerkules, Dis. 28.

Ito ang makikita sa ilang serye ng Instagram stories ng Cebuana beauty queen kung saan glowing at all-smile si Steffi suot ang isang pting bridal gown.

Steffi Rose Aberasturi/Instagram story

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Paglalarawan niya, isang “intimate chapel wedding” ang naganap kung saan ilang piling mga mahal sa buhay ang nakasaksi.

Noong Enero ngayong taon nang ma-engage si Steffi kay Karl, bagay na magkahalong lungkot at saya ang dala sa ilang pageant fans na umaasa pa sa comeback ng kilalang pageant veteran.

Basahin: Steffi Rose Aberasturi, Maureen Wroblewitz, muling magtatapat sa isang nat’l pageant? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, habang wala pang opisyal na pahayag ang Cebuana beauty queen ukol sa kaniyang pinal na pasya, isang malinaw na mensahe na noon ang binitawan ni Malayka Yamas, ang national costume designer ni Steffi nang sumabak sa Miss Universe Philippines 2021, sa isang Facebook post kasunod ng engagement ng kaniyang alaga.

“No more 2ndtime, no more pageantry. Congratulations Karl and Steffi,” saad nito kalakip ang ilang heart emojis.

Ito’y gayunpaman, bago pa ang kaliwa’t kanang pagbabago sa ilang nangungunang international pageants kabilang na ang Miss Universe at Miss Supranational.

Basahin: Miss Supranational, itinaas age limit, tatanggap ng mga kandidatang hanggang edad 32 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Congratulations, Steffi at Karl!