Umaabot na sa lima ang bilang ng mga naitatalang fireworks-related injury (FWRI) na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa.

Sa update na inilabas ng DOH nitong Linggo, araw ng Pasko, nabatid na noong Disyembre 24, nakapagtala pa sila ng isang karagdagang bagong kaso ng FWRI mula sa 61 DOH sentinel hospitals.

Dahil dito, sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay lima na.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Larawan mula DOH

Ito anila ay 50% na mas mababa kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa.

Kaugnay nito, patuloy na pinapayuhan ng DOH ang publiko na mag-ingat at umiwas sa paputok upang matiyak na magiging ligtas ang pagsalubong ng kanilang pamilya sa Pasko at Bagong Taon.

“Umiwas sa paputok para maaaring magdiwang nang kumpleto at ligtas ang buong pamilya ngayong Pasko at Bagong Taon!” anang DOH. “Iwas Paputok para sa isang #LigtasChristmas sa Healthy Pilipinas!”